Math ng isang taxi driver

August 12, 2008 at 11:25 pm Leave a comment

Napasakay kami ng taxi dahil marami kaming karga.

LPGas-driven ang naflagged down namin na taxi at binibida nga ng driver
na mas mura ang gastos niya. Nagpakarga siya sa LGP-gas station sa
Visayas ng 10 litro,  P31.33 per liter. Mga
kalahati ito ng gastos kung gasoline o diesel.

Nang tumatakbo na, tinanong ko siya kung ilang litro sa isang araw ang gamit niya. 40 litro daw. Kaya mga 1,200 pesos. Mga 8-10 km bawat litro.

Tinanong ko kung magkano ang VAT na binayad niya. Sagot ay 12%. Nag
mental arithmetic at dinagdag na mga P140 pala ang binibigay niiya sa
gobyerno bilang VAT.

Sa isang buwan, magkano yun?, tanong ko. Sagot niya:”Aba, mga apat na
libo din yun!” at medyo napamura pa. Laki daw pala ang nakakaltas sa
kanya ng @#$%^& gobyerno ni Gloria.

Eh, baka uminit pa ang ulo at mabangga kami, binalita ko na may mga
grupo at mga congressmen naman ang gumagawa ng mga paraan para maalis
ang VAT sa oil na bago 2006 ay wala naman noon. Pwede rin siyang sumali
sa PISTON para makasama siya sa mga pagkilos nito laban sa VAT.

Nang medyo ayos na, tinanong ko uli kung magkano naman ang bayad niya sa kuryente…..at umandar ang usapan tulad ng sa LPGas.

Powerful talaga ang science of mathematics sa pagunawa sa mga isyu.
Subukan ninyo next time na mag-jeep o taxi kayo pero imoderate lang
ninyo at baka mabangga kayo😉

Entry filed under: 1. Tags: , , , , .

People’s SONA 2008 in Manila, Mindanao, USA, Canada Commemorating the 110th birth anniversary of Sen. Lorenzo Tañada

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Blog Stats

  • 21,522 hits

RSS News

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

%d bloggers like this: