Nationwide Baranggay Assemblies

March 24, 2006 at 1:16 am Leave a comment

I.e., 30+ years ago. Bago lang ang martial law noon. Natatandaan kong nagpatawag ng referendum (yata ang tawag dun) si Marcos para pagbotohan ang bagong Constitution.

Kung aprub sa mga barangay, shift to parliamentary form of government: may parliament (siempre, kaya nga parliamentary and adjective), may prime minister, minister na ang tawag sa secretary, atbp.

Oo at Hindi lang ang botohan, by voice at taas ng kamay. Day after the barangay assemblies (na naganap daw sa buong Pilipinas) Oo daw ang overwhelming choice, balita ng The Daily Express, ang nagiisang dyaryo noon.

Fastforward to 2006: Bukas, sabi sa mga dyaryo at TV ngayong araw, magkakaroon ng nationawide barangay assemblies.

May memo pa diyan ang DILG. Talagang maaasahan ang DILG secretary dahil in an instant nagagawa niyang magpulong bukas ang mga barangay. Dito sa barangay namin sa QC ay wala namang abiso sa amin kung anong oras, kung saan, etc pero baka exception lang kami.

Boboto ang mga mamamayan kung OK sa kanila ang proposed shift (again) to parliamentary form. Oo o Hindi, parang referendum ni Marcos. Parang nirewind lang natin yong mga pangyayari. Kung ganyan nga, alam na natin ang mga susunod na eksena sa buhay natin at ng bansa.

Btw, tama kaya ang pagkaalala ko sa nangyari 30+ years ago?

Entry filed under: Email. Tags: , .

1081/1017: A Copy and Paste Operation Supreme Brownout

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Blog Stats

  • 21,522 hits

RSS News

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

%d bloggers like this: