Rejoinders by Mon

May 23, 2005 at 11:18 am Leave a comment

Posted by Cesar Torres at the SamarNews Message Board

Hi Sar,

I am sure they have a copy of the article by Batica. Based on tsismis by politicos who go to Utrecht, the staff there read everything, pro or contra, and they get their items as soon as they get printed here or post online.

CESAR SAID: “Most Outstanding UP Alumnus of the College of Engineering.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Ngee! Hindi ako yan. Baka si Apo Satur Respicio pa dahil siya ang may most outstanding met engineer award given by UPAE. Ako, just an ordinary alumnus of the college kaya nga no award come my way.

CESAR SAID: “Porque wala ng ‘Cold War’, so wala na dapat ‘Red Bogey’. Those days when America et al on the right hand, and the USSR and China, et al on the left hand, gustong gunawin ang mundo.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: The argument goes this way: Everybody is saying that there is no more communist country. No more is the Soviet Union or Red China. It is also said that Joma et al are insignificant and can be argued. Therefore, it follows that there cannot be a Red Bogey anymore because there are no more communists.

CESAR SAID: “Pakisabi sa Netherlands, hindi naman nila kailangan mamasahe or magtinda ng maraming bakya para tingnan kung ano itong ‘Frente Amplio’. Hiram na lang ng computer sa public library sa Netherlands. I am sure they know how to operate a computer.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: As I said earlier they know how to use their PCs and search the Internet. In fact, if we are to believe the news reports in 1987, the Utrecht people were already using modems to get news and data from the Philippines on the hour that they know more about what are happening here than most of us who are already here.

CESAR SAID: “This Gen. Jovito Palparan who is playing target practice in Samar with the believers in Jose Maria Sison and the ‘Red Bogey’ and his commanding officers, and other human beings with uniform, would like to spit at the eyeballs of the so-called civilians in authority, especially in Western Samar seguro. Kasi mga nincomcoop daw at mga kawatan. Of course, seguro posible din na gusto nilang kilawin si Carlos Garcia iyong heneral na maraming dolyar at maraming bahay sa America. I don’t know.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Going by past military operations, it will probably go this way: those barangays are supposed to be under NPA control for many years and the people have adopted to the NPA government established there. Now, comes the military who conduct an operation to flush out the NPAs and they do not know if the barrio folks themselves are NPA members or supporters or true believes.

MON RAMIREZ’S RESPONSE: But the military cannot stay there for months or years, so eventually they will leave. When they leave, the NPAs — especially if they are also at the same time the resident barrio folks there – will reestablish their own government and continue after the disruption. After all they have planted the seeds of a new idea of people governing themselves and they have found a fertile soil in the people long neglected by the government mainly because no government bureaucrat would like to live with the people there year in and year out.

MON RAMIREZ’S RESPONSE: The military cannot forever stay in one place to guard it so this scene will be replicated in other barrrios, ad infinitum.

CESAR SAID: “Mon, pakisabi sa kanila, na mayroon din nag-abuloy para sa familya ng mga namatay sa Jiabong, Samar, including that 8-year old boy. We have also more than P10,000 na ibibigay sa mga nag-evacuate sa bayan ng Basey. Si Atty. Lira, the Most Outstanding Sigma Rhoan, nag-abuloy, at iyong kapareho kong alumni sa UP College of Public Administration, si Maria Paz Susan Aclo-Arce.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Except for the press releases that I receive as a member of the online media, I really do not have links to them. But the press releases have phone numbers and addresses so anybody who wants to lend some assistance can try those numbers and addresses.

CESAR SAID: “Pakisabi kina Jose Ma. Sison na humingi ng tulong sa China para sa pagkain ng mga tagabundok na sa bayan ng Basey in Samar. There are 2,000 people who have descended on the poblacion.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Wala naman tayo sa posisyon para mag-utos kina Joma. Apart from that, I think they know what they ought to do in circumstances like the one mentioned in the HR reports.

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Actually, you can directly write to him. His email address is in one of the websites he maintains. One on one link is much better than having to course it through a third person, di ba?

Mon

REJOINDER TO MON RAMIREZ
By Cesar Torres

Salamat Mon.

I hope you don’t mind if I share your thoughts with others.

I keep on harping about China because I don’t believe that China’s protracted war should continue to guide Joma and his group. When MTT and Chou En Lai and Chu Teh and the PLA were in the midst of their armed struggle, they were fighting an incompetent, weak Kuomintang. They were fighting the Japanese who had no business being in China.

The first meeting of the Chinese Communist Party was held in Shanghai in 1921. Twenty eight years later, China had fallen into the hands of the CPP, a period of 28 years. Joma started lambasting Dodong Nemenzo, Merlin Magallona, and the Lavas, and Luis Taruc, etc., 36 years ago. And then nuong panahon ng No. 1 UP alumnus, tingin ay national democracy na sa Pilipinas kasi there were 36,000 armed NPA partisans, etc. Anong nangyari?

Ngayon, ano ba ang kalayagan sa mundo, at lalo na sa Pilipinas?

Komunista ba ang Tsina? Do they care about the workingmen of all nations? Do they still sing the International in Mandarin or Fukien or whatever? Do they care about the Filipinos? Is this the reason why they may have diplomatic relations with the bakya makers in the Netherlands?

Aywan ko how you people see the situation there. Sigue mass action ng mass action. Sama sama iyong iba ibang kulay, parang rainbow coalition. Sa Samar ang balita ko, naghakot iyong Governador na hindi taga Samar at may kaso sa Ombudsman for a possible plunder, at sobrang incompetent, ng magmamartsa to support GMA. Pero palangga kasi ng aking mga pinsan sa Mt. Huraw, kahit nasusuka si Palparan, ayan nandiyan pa itong Governador na hindi taga Samar, may fuwersa kasi. At mga gunggong iyong taga Samar who voted for her, pati mga kamag-anak ko.

Personally, okay ako diyan sa Revolutionary Council — as if it matters what I think or what we think — o kung ano mang iyong mga council na pinaga-abalahan niyo. Subalit tingin ko, napa ka naïve naman. It is tantamount to declaring a revolutionary situation where power grows out of the barrel of the sub-machinegun and the Armalite or the Uzi or the Fal becomes the ultimate decision maker. Hindi si Davide.

Katulad ng ginawa ng No. 1 UP alumnus. Remember? “O sigue, pipiyak kayo? Lahat ng military na sa akin. Mga kabalen pa. At iyong mga taga UP, brain trust ko. Sigue, gusto niyo ng patayan? Ayaw niyo ng Democratic Revolution at New Society? Magpakamatay kayo!”

Walang pumiyok sa Luzon. Lipat iyong i-ilan ilan na NPA from Tarlac, puntang Samar. May lull muna. Then encounter, encounter sa Samar, ambush ambush. Abuso iyong militar. Daming taga Samar na ginago pati si Dr. Bobby de la Paz na tumutulong lang sa mga bunihon at mabaho ang kilikili na taga Samar, pinatay ng militar! Sayang na buhay… A military detachment in Eastern Samar in Borongan was even attacked. Then what?

In the situation now, dadanak muna ang dugo bago mangyari iyong Revolutionary Council. Talaga bang papayagan kayo ng mga militar na magbuo ng Revolutionary Council where you will be bypassing them, the military and their handlers in kung saan man iyon (sa America?), the TRAPOS or iyong mga panpunas ng dumi also known as toilet paper?

Iyong sinasabi mo about the more than 2,000 Samarnons from the mountains who have fled to the poblacion of Addi Batica’s Basey. Okay, iyong sinasabi mo na iyong mga Ilocano, mga Bicolano, mga Muslims na mga sundalo na naghahanting sa mga NPA sa kabundokan ng Samar, hindi iyon magtatayo ng settlement or magaasawa ng dilag na Samarena. Gagahasain seguro. Aanakan. Aalis din sila, babalik sa Catbalogan, or kung saan man ang kanilang mga detachment or mamamatay kung magaling iyong kay Joma or Ka Roger Rosal mga military strategists at ambushers.

But can you just imagine the impact of 2,000 people who are in Basey’s poblacion Mon? Ako kahit nandito, hindi naman impaired iyong imagination ko. What happens to their farms? Mga manok, mga baboy? Gagawin fried chicken at lechon ng mga alipores ni Palparan? Iyong pagpakain nalang doon sa kanila in the town. Iyong pag jinggle, iyong pag-evac.

Mayroon kaming project sa San Jose de Buan, interior ng Samar. The military and the NPA are playing hide and seek there. Ngayon, wala na kaming magawa.

Iyong Bayanihan Road Repair Project sa Villareal, Samar, na pinagmamalaki namin sa mundo, we were doing the road project on our own, walang paki-alam iyong World Bank, the Asian Development Bank, at USAID. We were in effect saying, “Shit lang kayong mga gago na may kapangyarihan na ginago niyo iyong taga Samar na gago rin ang pag-i-isip dahll sa kanilang mga mapagsamantalang ‘Ward Leaders’. Gagawin namin ito. Hindi kami magbibigay ng mananakaw niyo.”

Wala ng notisya Mon, kasi iyong Mayor ay officer ng Bayan Muna, talagang takot na yayari-in siya. At kami rin, sa halip na tuloy iyong panghihingi para sa tulong sa Bayanihan Road Repair Project sa Villareal, iyong aming oras napupunta dito sa pag-a-ala-ala kung paano kami tutulong sa mga sugatan, sa mga gutom, sa pag-palibing sa mga mamamatay dahil sa “Kagiosan” and the militarization in Samar. Itong mga relihiyoso naman, hanggang Rosaryo lang at fiesta.

Ang tsismis na nahahagip ko tungkol sa heneral sa Eastern Visayas at iyong kanyang boss ay wala na iyong mga peace peace negotiation sa Norway. Ubusan na. Ito na rin ang iniisip nina Ermita at si Gloria at saka dito, like Condo Mais seguro.

Anyway, Mon, nanghihingi na ako ng mga damit, at pera para ibili ng bulak, ng gamot, cortal, at iodine, ng crutches, etc. Sana hindi nakawin sa Customs nuong mga alipores ng mga masasamang uri.

Sana iyong mga bata na simple ang pagiisip at buong katapatan na naniniwala sa inyo ay hindi gamitin ng mga nakauniforme para sila ang hirangin na rulers ng 79 million Filipinos. Dati 87 million iyong ginagamit kong figure ng Philipine population. I am pretty sure na pag ang “Praetorian Guards” and sasaludohan ninyo diyan araw araw, hindi na uuwi iyong 8 million na mga Flips na naghihirap sa labas ng bayan kong sawi.

Mag Frente Amplio na lang kayo Mon. Uma-alingaw-ngaw ang sabi ni Gen Ermita about Joma’s decision not to negotiate with the incompetent leaders of the Government.

And it is possible that the military is thinking like this: “Sigue. Tingnan natin kung ano ang kaya niyo. Suportado kayo ng lumpen at mga inocente? Madaling pagbabarilin iyong mga iyan. Lalo na pagsamahan ng pugot ulo. Parang mga aso na hindi na kakahol iyan. Pilipino Pilipino…Wala iyan. Dahas at fuersa ang importante. Kahit pare-pareho kaming mga pangit. And the CBCP at iyong Santo Papa sa Roma and the UCCP sa America and God will not help them.”

Padayon Mon, hangtud ha lubnganan!

Cesar Torres

REJOINDER BY MON RAMIREZ

Sar,

“The first meeting of the Chinese Communist Party was held in Shanghai in 1921. Twenty eight years later, China had fallen into the hands of the CPP, a period of 28 years. Joma started lambasting Dodong Nemenzo, Merlin Magallona, and the Lavas, and Luis Taruc, etc., 36 years ago. And then nuong panahon ng No. 1 UP alumnus, tingin ay national democracy na sa Pilipinas kasi there were 36,000 armed NPA partisans, etc. Anong nangyari?”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Iba’t ibang bansa, iba’t ibang diskarte. Yong mga CPs nga sa Malaya at Indonesia na nauna pa sa CPP ay wala na, well at least as far as I can read in the papers.

MON RAMIREZ’S RESPONSE: As for the 36,000 armed NPA partisan, the biggest number than the AFP said it was is 25,000. Even that was bloated since later, in a congressional hearing, it was admitted that probably the highest number could only be 10,000. Malaki, maliit ang bilang ng NPA, depende sa sitwasyon. Usually, malaki ang figure na binibigay kapag nanghihingi ng pondo ang AFP sa Congress; maliit, kapag naglilista sila ng achievements for the year.

“Komunista ba ang Tsina? Do they care about the workingmen of all nations? Do they still sing the International in Mandarin or Fukien or whatever? Do they care about the Filipinos? Is this the reason why they may have diplomatic relations with the bakya makers in the Netherlands? Aywan ko how you people see the situation there. Sigue mass action ng mass action. Sama sama iyong iba ibang kulay, parang rainbow coalition. Sa Samar ang balita ko, naghakot iyong Governador na hindi taga Samar para magmartsa to support Gloria.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Hindi naman ibig sabihin na kapag mass action ka ng mass action ay komunista ka na. Sa US nga, during the civil rights movement nina MLK panay ang mass actions. Ganoon din noong panahong ng opposition to the Vietnam wear. Wala naman patent ang mga komunista sa mass actions. Anybody or group can avail of mass actions and protests demonstrations for redress of their grievances.

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Kung hindi ka lalabas ng kalye ang pwedeng mong gawin ay sumulat ng reklamo mo sa president o kongresor, ilagay sa sobre, lagyan ng stamp, ipadala at maghintay ng sagot, kung sasagutin ka.

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Pwede ring pumunta ka sa Internet cafe, sumulat ng email kay pgma@gov.ph, ibuhuos ang reklamao mo, con todo ebidensiya kung meron, at maghintay kung sasagutin ka.

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Or, pwede ring tumahimik ka na lang, at tanggapin na talagang ganyan lang talaga ang buhay. Parang si San Jose noon, sa kantang The Cherry Tree carol kinanta ni Joan Baez, na ginawang tula naman ni Pete Lacaba. Nagrereklamo siya na: hindi ko pa naman inaano, pero buntis na ang Mrs ko. Sagot sa kanya ng kaibigan niya: talagang ganyan ang maliit, wala laban sa langit.

“Iyong sinasabi mo about the more than 2,000 Samarnons from the mountains who have fled to the poblacion of Addi Batica’s Basey.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE As you can read in my email, I was not the one who said that 2,000 Samarnons fled from their homes. That was taken from an Inquirer article. Where the Inquirer reporter got it, I do not know.

“Anyway, Mon, nanghihingi na ako ng mga damit, at pera para ibili ng bulak, ng gamot, cortal, at iodine, ng crutches, etc. Sana hindi nakawin sa Customs nuong mga alipores ng mga masasamang uri.”

MON RAMIREZ’S RESPONSE: Yan na nga ang isang pwedeng gawin natin dahil hindi naman mga heneral o mga politiko na pwedeng magbaba ng mga utos sa kanila. Tayo lang naman ay nagiistambayan sa botomo at kung may maitutulong siempre tutulong kung kaya.

Mon

Entry filed under: Email. Tags: , , .

Texting Footnote Meralco advertisement stands on skewed logic

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Blog Stats

  • 21,522 hits

RSS News

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

%d bloggers like this: